Literary
Buhay na Walang Pintig
D
Dirae
Jan 28, 2026
3
Perpekto at kahanga-hanga, isang manikang nahuhulma sa kahit anong pormang nais nila. Gumagalaw lamang sa kumpas ng kanilang mga daliri. Isang piping kaluluwa sa pigurang kahoy.
Buhay na walang pintig.
Hanggang kailan kaya ako mananatili rito?Sunod-sunuran, saan nga ba ang patutunguhan? May sariling diwa ngunit walang laya na kumilos nang kusa. Mabuti pang ako’y sunugin na lamang. Kapag ako’y naging abo, baka sakaling tangayin ako ng hangin upang libutin ang mundo.
Buhay na walang pintig.
// panulat at larawan ni Dirae
END OF STORY